Isang Biyernes (Pebrero 8, 2019), habang ako ay pauwi mula sa awarding ceremony ng Public Attorney’s Office sa Manila Hotel, tumawag ang isang ama, si Aldwin, mula sa London.

Kinuwento niya sa akin na hiniling ng kanyang anak, si Kayla, na basagin ang kanyang alkansya upang ipadala ang laman nito sa kuya niyang si Glenn Chong at makatulong sa kampanya nito.

Naluha ako sa balitang ito. Hindi ako makapaniwala na kahit ang isang musmos na bata ay handang isakripisyo ang kanyang naipon upang itaya ito sa kinabukasan ng isang buong bansa.

Kung ganito lang sana ang isinasaisip ng mga naglilingkod sa ating pamahalaan, tiyak malayo-layo na rin ang ating narating. Gayun pa man, hindi pa huli ang lahat.

Sana magkaisa tayong lahat sa darating na halalan at manaig ang ating wastong pagpili ng mga bagong lingkod-bayan.

Sana magkaisa tayong lahat na hulihin ang dayaan ng sindikatong Smartmatic upang matuldukan na ito, mapatalsik sila at maging malaya muli ang ating bansa mula sa mga kamay ng sindikatong ito at mga kurakot na kliyente nito.

Maraming salamat, Aldwin at Kayla! Indeed, this country has hope!